Ang pinakanakakainis na karanasan na nangyari sa akin ngayong Christmas vacation ay iyong walang magawa sa bahay. Talaga namang napakaboring at nakakainip! Noong unang mga araw medyo may nagagawa pa ako eh. Pero nang lumipas ang isang linggo, paulit-ulit na lang 'yung ginagawa ko bawat araw. Nakabisado at nagawan ko na nga nang sequence 'yung bawat activities na gagawin ko sa buong isang araw ko: Gising, nood ng tv., kain, ligo, tunganga, kain, nood ng tv., kinig sa radyo, at tulog. 'Yan ang nilalaman ng buong isang araw ko. Wala akong magawa kundi ang manood ng tv at kumain sa buong araw. Hindi naman kasi ako makahanap ng oras para sa paggawa ng iba pang bagay. Busy kasi sa mga nakagawian nang gawin tulad ng ilang mga gawaing bahay tsaka mga utos ng aking mahal na magulang. Pero bukod dito wala talaga akong ginagawa kundi ang tumunganga at mag-isip kung ano ang maaaring gawin ko. Isa rin sa mga nangungunang dahilan kaya wala akong magawa ay dahil sa madalas ay pinangungunahan ako ng katamaran. Maging ang paglabas sa aming bahay at paggala ay madalas kinatatamaran kong gawin. Ganyan ako kabait. :)
At dahil nga sa madalas kong pagtunganga at panonood ng tv, dumating ang araw na napansin ito ng aking mahal na ama kaya naman daan-daang sermon ang aking natanggap, idagdag pa ang sermon ng aking mahal na ina, talaga namang sandamakmak na sermon ang narinig ng aking magkabilang tenga. Buti na lang at malapit na ang pasko kaya kinabukasan tila nakalimutan na nila 'yung galit nila sa akin.
Sa tingin ko 'yung aking Christmas vacation na ata ang pinakaboring sa lahat. Pero na-realize ko na kahit ganoon ka-boring at nakakainip, naging masaya pa rin ang naging bakasyon ko. Ito ay dahil sa kasama ko ang aking pamilya sa isa sa mga pinakamahalagang pagdiriwang sa ating buhay. At dahil sa bagay na iyon, masayang-masaya ako..
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento