Una muna naming pinaghalu-halo 'yung mga sangkap para sa batter: flour, cornstarch, salt, white pepper, egg, and water. Pagkatapos, hinalo na rin namin 'yung bean sprouts o togue..
Matapos paghalu-haluin ang lahat ng mga sangkap, isinalang na namin ito sa mainit na mantika at saka ipinirito.. Habang piniprito, unti-unti naming inilalagay sa ibabaw 'yung mga hipon..
Nang matapos prituhin at lagyan ng garnish, eto na ang kinalabasan ng aming niluto.. Sa tinagal-tagal ng paggawa namin nung batter, sa wakas at natapos din kami.. Worth it naman 'yung napakatagal naming paggawa kasi ang sarap nung niluto namin.. Crispy, healthy, and affordable! Bon Appetit!!! ^_^




Walang komento:
Mag-post ng isang Komento